Martes, Oktubre 20, 2015

K - 12 Basic Education Program


 Ang K+12 ay ang karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo mismo. Sa aking sariling opinyon maganda itong programang ito dahil mas lalo pa mapapag - isipan ng maayos ang gustong kurso para sa kolehiyo, at maganda rin ito kung gusto nating mag trabaho sa ibang bansa. Dati hindi nila tinatanggap ang mga pinoy sa mga trabaho kasi ikinukunsendera nila na ang Pilipinas na kulang sa 2 taong pag aaral, ngayong may programang ng K + 12 ay mapapadali na ang mag apply sa ibang bansa at mas lalo pa nilang mahahasa ang pag aaral nila upang mag karoon ng magandang kinabukasan. 


"Kung walang edukasyon ay wala kang pupuntahan sa mundong ito." Sang-ayon ako sa programang ito dahil dito mag sisimula nag pagbabago ng Pilipinas mas matutulungan nito ang maraming bata at maraming pamilya. Isipin nalang natin kung dati pa ito napatupad, May mga bata na kahit sa murang edad ay magtrabaho muna at tsaka nalang mag aral ulit pag nakaraos na. Ito ang isa sa magandang naiambag na para sa ekonomiya. 


2 komento: